
Tinuruan ng aktor at dancer na si Will Ashley ang kanyang co-star sa Prima Donnas na si Miggs Cuaderno kung paano sayawin ang kantang 'Yummy' ni Justin Bieber na usong-uso sa TikTok ngayon.
Sa online exclusives ng Prima Donnas, makikitang tinuturuan ni Will si Miggs kung paano sumayaw habang naka-standby sa kanilang taping.
“Seryoso? 'Yan lang 'yun?” tanong ni Miggs pagkatapos ituro ni Will ang sayaw.
Panoorin ang online exclusive ng Prima Donnas:
Miggs Cuaderno tours the set of 'Prima Donnas'
Panandaliang tumigil sa taping ang Prima Donnas alinsunod sa umiiral na enhanced community quarantine sa buong Luzon pero mapapanood pa rin ang full catch-up episodes nito sa GMANetwork.com at sa GMA Network App.
Ang top-rated Kapuso drama na Onanay ang pansamantalang umeere sa time slot ng Prima Donnas.