What's on TV

'Prima Donnas' tween stars, ano ang pinagkakaabalahan ngayong quarantine?

By Aaron Brennt Eusebio
Published April 29, 2020 11:26 AM PHT

Around GMA

Around GMA

19 areas under Signal No. 1 as Wilma approaches Samar Island
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Prima Donnas tween stars


Kinuwento nina Jillian Ward, Althea Ablan, at Sofia Pablo, kung ano-ano ang kanilang pampalipas-oras ngayong enhanced community quarantine.

Ibinahagi ng mga bida ng Prima Donnas na sina Jillian Ward, Althea Ablan, Sofia Pablo, at Elijah Alejo kung ano-ano ang kanilang pinagkakaabalahan ngayong enhanced community quarantine.

Nakausap ng GMANetwork.com nang magkakahiwalay sina Jillian, Althea, Sofia, at Elijah sa pamamagitan ng Skype.

“Ngayon po mahilig ako manood ng mga TV shows, saka movies, at saka video games,” sagot ni Jillian.

Si Althea naman ay busy ngayon sa pagluluto kung saan ina-upload niya ito sa kanyang YouTube channel.

'Prima Donnas' star Althea Ablan makes Tuna Pesto in new video

“Siyempre po, workout, and nagko-cooking din ako and baking. Ang saya magluto,” saad ni Althea.

“And kung ano 'yung nakikita ko online, tina-try ko po siya basta mayroon kaming ingredients sa bahay.”

Focused naman sa kanyang home schooling si Sofia ngayong wala siyang taping.

Kuwento niya, “Okay naman po. Nag-i-spend lang po ako ng time with my family and humahabol po ako sa modules sa school.”

Pinagkakaabalahan naman ni Elijah ang pagtulong sa kanyang mga magulang sa gawaing bahay ngayong quarantine.

Saad niya, “Okay naman po ako, okay naman po kami rito sa bahay.

“Tumutulong ako sa mga gawaing bahay, nagbabasa ako ng books, and nagne-Netflix po ako and nagsasagot po ako ng sodoku.”

Panoorin ang buo nilang pahayag sa Kapuso Showbiz News na ito:

Pansamantalang hindi napapanood ang Prima Donnas dahil tinigil ng GMA Network ang produksyon nito dahil sa banta ng COVID-19.

Mapapanood ang Onanay, na pinagbibidahan nina Mikee Quintos, Kate Valdez, Jo Berry, Cherie Gil, at Ms. Nora Aunor, sa timeslot ng Prima Donnas sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, mapapanood pa rin ang full catch-up episodes ng Prima Donnas sa GMANetwork.com o kaya sa GMA Network App.