
Magkakaroon ng online reunion ang cast ng hit afternoon prime series na Prima Donnas sa “Prima Donnas Watch From Home,” na magsisimula na ngayong Biyernes, June 19.
Pero break muna ito sa kapana-panabik na istorya ng serye dahil ang ipapakita naman nina Jillian Ward, Althea Ablan at Sofia Pablo ang kanilang mga karakter na sina Mayi, Ella at Lenlen sa likod ng camera.
“Mas parang kami talaga. Hindi na si Donna Marie, Donna Belle, Donna Lyn, pero bilang kami talaga. So, 'yung may mga challenges, mga bagong twists,” sabi ni Sofia.
Ayon naman kay Althea, isa ang “Prima Donnas Watch From Home” sa mga paraan para patuloy silang makipag-interact sa kanilang fans dahil tigil muna ang produksyon ng serye dahil sa COVID-19 pandemic.
“Kakaiba 'to. Dahil nga quarantine, maghanap tayo ng pagkakaabalahan natin. So ito nga 'yon. Dahil miss na miss n'yo na kami mga Prima Donnas fans, ito 'yung paraan namin para hindi n'yo kami makalimutan,” aniya.
'Prima Donnas' stars reunite for special online show
'Prima Donnas' star Will Ashley now has 100K subscribers on YouTube
Dagdag pa ni Jillian, maipapakita rin sa online show ang personal side nilang tatlo pati na rin ng iba pang cast gaya nina Elijah Alejo bilang si Brianna, Katrina Halili bilang si Lilian, Aiko Melendez bilang si Kendra, Wendell Ramos bilang si Jaime at Benjie Paras. Present din dito ang direktor nitong si Gina Alajar.
“Dito naman, makikita nila 'yung personal side naman namin. Kunwari sa mga eksena, ire-review namin kung ano ba talaga 'yung nararamdaman namin as Jillian, Althea or Sofia.
“Makakapag-bond din kami kasama 'yung mga viewers,” aniya.
Dahil live itong mapapanood sa Facebook, Twitter at YouTube page ng GMA Network, pwedeng sumali sa kwentuhan ang fans.
“We can interact din po with our viewers. 'Yun 'yung nakaka-excite kasi mas personal ito, mas makakausap namin sila,” sabi pa ni Jillian.
'Prima Donnas' star Elijah Alejo plays virtual 'bring me' with her fans online
Gina Alajar dances with her grandchildren for TikTok video
ECQusina recipe: Fried egg rolls ala Katrina Halili
Bukod sa mga pasilip na behind-the-scenes ay may pa-games din sa online show. Bukod dito, pwede pang mag-suggest ang fans ng mga challenge para sa cast ng programa.
Hindi rin umano mawawala sa mga challenge ang paggawa ng TikTok video na hilig nilang gawin. Pero ang pinaka kaabang-abang ay ang role switching ng mga bida sa serye.
“Exciting din po 'yun kasi makikita natin 'yung flexibility ng isa't isa. Paano kung ako si Brianna, gano'n,” lahad ni Sofia.
Simula ngayong araw, June 19, ay muli nang mapapanood linggo-linggo ang Prima Donnas cast sa “Prima Donnas Watch From Home.”
IN PHOTOS: Meet GMA's future leading man, 'Prima Donnas' star Vince Crisostomo
Panoorin ang buong 24 Oras report: