What's on TV

Katrina Halili, naiinis na nga ba kay Aiko Melendez dahil sa 'Prima Donnas?'

By Aaron Brennt Eusebio
Published September 2, 2020 5:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rollback in pump prices seen Christmas week
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Katrina Halili and Aiko Melendez


Inamin ni Katrina Halili na pati siya ay naiinis sa karakter ni Aiko Melendez sa 'Prima Donnas' na si Kendra! Bakit kaya?

Bago magbalik sa taping ang Prima Donnas, inamin ng isa sa mga bida nito na si Katrina Halili na minsan ay naiinis siya sa karakter ni Aiko Melendez sa show.

Ginagampanan ni Katrina ang surrogate mother ng tatlong Donna na si Lilian samantalang si Aiko naman si Kendra, ang mapapangasawa ng ama ng mga Donna.

“Si Kendra, ang galing niya magsinungaling,” pag-amin ni Katrina nang mag-guest sila ni Benjie Paras sa Kapuso ArtisTambayan noong August 28.

“Napipikon na rin ako d'yan, e.

“Hindi siya nahuhuli.”

Nagbigay rin si Katrina kung ano ang dapat abangan sa Prima Donnas. Panandaliang tumigil ang produksyon ng Prima Donnas noong Marso dahil sa community quarantine na idineklara.

Panoorin ang kanyang pahayag:

Kasalukuyang umeere ang catch-up episodes ng Prima Donnas sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Ika-6 na Utos.