GMA Logo  Prima Donnas lockin taping
What's on TV

'Prima Donnas,' sinimulan na ang lock-in taping

By Aaron Brennt Eusebio
Published September 29, 2020 3:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

 Prima Donnas lockin taping


Nagsimula na kahapon, September 28, ang lock-in taping ng afternoon drama na 'Prima Donnas.'

Nagkita-kita na muli ang cast ng afternoon drama na Prima Donnas sa unang araw ng kanilang lock-in taping.

Sa litratong ibinahagi ng beteranang aktres na si Chanda Romero, na gumaganap bilang Lady Prima Claveria, makikitang sinusunod nila ang social distancing at nakasuot ng face mask at face shield.

PRIMA DONNAS are back together ... after six months! With three of my barkadas 😉😉😉 So very happy ❣

Isang post na ibinahagi ni Chanda Romero AT LAST (@chandaromero_atlast) noong

May video naman na ipinakita si Althea Ablan, na gumaganap bilang Donna Belle, kung saan makikita na layu-layo sila habang wala pang kinukunan na eksena.

Pati ang direktor ng show na si Gina Alajar ay naka-suot rin ng face mask, face shield, at protective personal equipment.

Balik taping na ang afternoon show na 'Prima Donnas' na pinagbibidahan nina Jillian Ward, Althea Ablan, at Elijah Alejo. / Source: althea_ablan30 (IG)

Bago bumalik sa taping ang Prima Donnas, sumailalim muna sila sa swab testing sa GMA Network.

Naka-lock-in ang buong cast at crew ng programa at walang pwedeng umalis at umuwi upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Napapanood na ang catch-up episodes ng Prima Donnas mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Ika-6 na Utos.