
Umamin ang teen stars ng Prima Donnas na sina Althea Ablan at Will Ashley na mayroon silang crush sa kanilang co-stars.
Sa 'Never Have I Ever' vlog ni Will, sinabi niyang crush niya si Jillian Ward samantalang hindi pinangalanan ni Althea kung sino naman ang crush niya.
“Never have I ever nagka-crush sa PD [Prima Donnas] teens,” pagbasa ni Will sa tanong.
Sagot ni Althea, “I have.”
Ilang ulit namang pinilit ni Will si Althea kung sino ang kanyang naging crush pero ayaw talaga nito umamin.
Inamin ni Will Ashley na may crush siya sa kanyang kapwa 'Prima Donnas' teen star na si Jillian Ward. / Source: willashley17 (IG)
Kasama rin nina Will at Althea sa vlog si Bruce Roeland, na umamin na mayroon siyang crush sa isa sa mga actress na kasali sa Prima Donnas.
Mapilit kaya nila si Bruce na aminin kung sino ang kanyang crush? Panoorin dito:
Mapapanood na ngayong November ang fresh at new episodes ng Prima Donnas sa GMA Afternoon Prime.
Samantala, kasalukuyang umeere ang catch-up episodes ng Prima Donnas, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Ika-6 na Utos.