GMA Logo Prima Donnas finale episode trending online
What's on TV

'Prima Donnas' finale episode, trending online; netizens, may hula sa pagdilat ni Kendra

By Aaron Brennt Eusebio
Published February 19, 2021 8:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Prima Donnas finale episode trending online


Napanood niyo ba ang finale episode ng 'Prima Donnas?'

Pinalabas na ngayong araw ang huling episode ng top-rated afternoon drama series na Prima Donnas kung saan naging masaya na sina Donna Marie (Jillian Ward), Donna Belle (Althea Ablan) at Brianna (Elijah Alejo) sa isa't isa.

Nag-propose na si Jaime (Wendell Ramos) kay Lilian (Katrina Halili) at humingi na rin ng tawad si Lady Prima (Chanda Romero) kay Lilian at tinanggap ito bilang asawa ng kanyang anak.

Dahil sa nakakatuwang mga eksena, trending sa Twitter Philippines ang official hashtag ng show na #PrimaDonnasTheGrandFinale.

Trending

Trending ang official hashtag ng finale episode ng top-rated afternoon drama series na 'Prima Donnas' sa Twitter Philippines.

May kanya-kanya ring hula ang netizens kung ano ang ibig sabihin ng muling pagdilat ni Kendra (Aiko Melendez) sa dulo ng show.

Ayon sa iba, magpapa-plastic surgery si Kendra upang maging si Maita (Glaiza De Castro), ang unang asawa ni Jaime at biological parent ng mga Donna. Hindi sinasadya ni Kendra na mapapatay si Maita nang ipasunog niya ang bahay kung saan nakatira noon si Lilian noong nagbubuntis ito.

Sulat ng isa, "Pwedeng magparetoke si Kendra para maging kamukha niya si Maita. Babalik siya sa buhay ng nga Claveria upang guluhin ang pagsasama nina Lilian at Jaime. So it's Glaiza's big comeback sa #PrimaDonnasBook2. #PrimaDonnasTheGrandFinale."

Hinihiling naman ng iba na magkaroon ng book 2 ang programa.

Tweet nila, "Nabuhay si Kendra sa ending? Bat ganon? May book 2 ba?"

Tingnan ang reaksyon ng netizens:

Panoorin ang muling pagdilat ni Kendra: