GMA Logo aiko melendez
What's on TV

Aiko Melendez, masayang naging nominado sa 34th PMPC Star Awards for Television

By Aaron Brennt Eusebio
Published July 21, 2021 2:12 PM PHT
Updated July 21, 2021 5:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo surprises kids by dressing up as Santa Claus for Christmas
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers
'PBB' housemate Joj Agpangan weds fiancé in Austin, Texas

Article Inside Page


Showbiz News

aiko melendez


Nominado si Aiko Melendez bilang Best Drama Supporting Actress para sa pagganap bilang Kendra sa hit GMA Afternoon Prime series na 'Prima Donnas.'

Malaki ang pasasalamat ng batikang aktres na si Aiko Melendez nang maging nominado siya bilang Best Drama Supporting Actress sa 34th PMPC Star Awards for Television.

Ito ay para sa kanyang pagganap bilang Kendra sa top-rated afternoon drama ng GMA na Prima Donnas.

Sa pamamagitan ng isa ng post sa Instagram, ibinahagi ni Aiko ang nakuhang nominasyon sa kanyang mga katrabaho sa Prima Donnas, sa pangunguna ng direktor nito na si Gina Alajar at program manager na si Redgynn Alba.

Sulat niya sa caption, "Maraming maraming salamat po PMPC Star Awards for TV sa pagkilala po sa akin. I am humbled po.

"To my Prima Donnas family especially po sa aking director na 'di nagsawa na tutukan ang character ni Kendra kaya minahal at kinainisan ng tao, salamat po sa isang napakahusay na actress at director @ginaalajar. Mahal po kita direk.

"At sa lahat ng cast ng Prima Donnas! Para sa atin itong pagkilala sa akin.

"Sa aming mga writers, and to our PM @redgynn pa-tacos ka na mam.

"A nomination is always something to be happy about."

A post shared by Ms Aiko Melendez (@aikomelendez)

Bago ang kanyang nominasyon sa PMPC, naging nominado na rin si Aiko sa kanyang pagganap bilang Kendra sa 3rd Gawad Lassalianeta.

Napanalunan naman ni Aiko ang Best Kontrabida sa 2020 RAWR Awards.

Panoorin dito si Aiko bilang Kendra:

Samantala, nagpasalamat rin si Jillian Ward sa nominasyon ng Prima Donnas bilang Best Daytime Drama Series.

Prima Donnas

Maaaring balikan ang full catch-up episodes ng Prima Donnas Season 1 sa GMANetwork.com o kaya sa GMA Network App.

Magbabalik pareho sina Aiko at Jillian bilang sina Kendra at Donna Marie sa Season 2 ng Prima Donnas na mapapanood sa GMA Afternoon Prime.

Samantala tingnan ang mga larawan dito ni Aiko Melendez: