
Lalong naging excited ang mga manonood ng Prima Donnas Season 2 sa pagbabalik ng karakter ni Sofia Pablo na si Donna Lyn.
Sa kauna-unahang pagkakataon, nagpakulay ng buhok si Sofia para sa kanyang karakter na galing Australia.
Sulat niya sa Instagram, "Fresh from Australia! Are you ready? #PrimaDonnasSeason2."
Teorya ng ilang netizens, hindi na ang tahimik na Donna Lyn ang mapapanood nila.
Komento ng isa, "No more the mahinhin and tahimik na Len-Len. Len-Len 2.0 na."
Abangan ang Prima Donnas Season 2, malapit na sa GMA Afternoon Prime.
Samantala, mas kilalanin pa si Sofia dito: