IN PHOTOS: Kilalanin ang mga bida sa 'Prima Donnas' Season 2

Sa ikalawang season ng top-rated afternoon show ng GMA na 'Prima Donnas,' marami na ang nagbago sa mga bida nitong sina Donna Marie, Donna Belle, at Donna Lyn, na binibigyang buhay nina Jillian Ward, Althea Ablan, at Sofia Pablo.
Isa sa may pinakamalaking pagbabago sa 'Prima Donnas' ay si Donna Lyn. Mula noong umuwi ito galing Australia ay mas naging palaban at confident na ito sa kanyang sarili.
Sa katunayan, aminado si Sofia na dapat abangan ng mga manonood kung paano ang magiging relasyon ni Donna Lyn kina Donna Marie, Donna Belle, at Brianna (Elijah Alejo).
Aniya, "Abangan natin kung paano 'yung treatment niya sa mga sisters niya, kay Donna Marie, kay Donna Belle, and siyempre sa pekeng Donna, kay Brianna. Nung ending ng season one, si Brianna nakipag-ayos na siya. Nag-ayos ba sila ni Len Len?"
Bukod sa tatlong Donnas at kay Brianna, narito pa ang mga karakter na dapat abangan sa Prima Donnas:














