GMA Logo Elijah Alejo
Source: officialsherylcruz (IG)
What's on TV

Elijah Alejo, aminadong natakot kay Sheryl Cruz sa 'Prima Donnas'

By Aaron Brennt Eusebio
Published March 4, 2022 10:04 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PH embassy: No policy changes yet on dual citizenship in US
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Elijah Alejo


Ano ang basehan ng takot ni Elijah kay Sheryl? Alamin!

Aminado si Elijah Alejo na noong una ay natatakot siya sa batikang aktres na si Sheryl Cruz na parte na ngayon ng ikalawang season ng Prima Donnas.

Si Sheryl na kasi ngayon ang gumaganap na Kendra, ang ina ng karakter ni Elijah na si Brianna na dating ginagampanan ni Aiko Melendez.

Pag-amin ni Elijah sa GMANetwork.com, "Actually, nung una, aaminin ko po na medyo natatakot po ako kay Tita Sheryl nung hindi ko pa po siya nami-meet kasi feeling ko, intimidating po siya nang sobra."

"Tapos nung nakasama ko po si Tita Sheryl, nung naka-work ko po siya, super bait niya po, as in. Para ko po talaga siyang naging mom sa set kasi talagang ang dami niya pong words of wisdom, matalino po si Tita Sheryl sobra."

Dagdag ni Elijah, naging komportable na siya kay Sheryl sa likod ng kamera kaya maganda ang naging chemistry nila sa pag-arte.

"Dahil naging comfortable ako sa kanya behind the scenes, pagdating sa harap ng camera, para po talaga kaming si Brianna and Kendra nung season 1, ganun pa rin po nung season 2 kahit po nag-iba 'yung mukha ni Kendra."

Balikan ang madamdaming eksena nina Elijah at Sheryl dito:

Panoorin ang Prima Donnas, Lunes hanggang Sabado, sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Eat Bulaga.