GMA Logo gina alajar prima donnas
What's on TV

Gina Alajar, may payo sa 'Prima Donnas' young actors sa pagtatapos nito

By Aaron Brennt Eusebio
Published April 27, 2022 4:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'A Knight of the Seven Kingdoms' final trailer sets fun tone for 'Game of Thrones' prequel
Over 200 passengers stranded at Cebu City port due to #WilmaPH
NAIA is opening more food halls at Terminal 3

Article Inside Page


Showbiz News

gina alajar prima donnas


Proud na proud si Direk Gina Alajar sa young actors ng 'Prima Donnas,' na nakasama niya nang mahigit tatlong taon, "They've shown great potentials and great talents."

Malaki ang tiwala ng beteranong aktres at direktor na si Gina Alajar sa teen stars ng Prima Donnas na sina Jillian Ward, Althea Ablan, at Sofia Pablo na hindi nila malilimutan ang kanilang mga natutunan sa well-loved GMA Afternoon Prime drama.

Sa virtual finale media conference ng Prima Donnas kahapon, April 26, muling pinuri ni Direk Gina ang kanyang mga artista.

Aniya, "Lagi ko namang sinasabi ito, e, na nag-uumpisa sila ngayon and they've shown great potentials and great talents. Ngayon, nasa sakanila na 'yun kung aalagaan nila 'yun dahil mahaba pa ang tatakbuhin nila dito sa buhay ng showbiz, dito sa industriyang ito.

"They are very, very young, but hindi sila dapat makuntento sa kung ano man ang meron sila ngayon. Kung ano man 'yung alam nila ngayon, 'wag silang makukuntento kasi acting is a 24/7 education, hindi ba? Nagbabago 'yan every day.

"Hindi ka puwede mag-stay sa isang kind ng acting, sinasabi ko nga, e, 'Ang pag-iyak, iba-ibang klase 'yan. Hindi ka pwedeng umiyak nang pareho-pareho, kada na lang iiyak ka, pareho nang pareho 'yung ginagawa mo.'

"You have to mature, you have to find different kinds kung paano ka umiyak, kung paano ka magalit because it's on different levels."

Dagdag ni Direk Gina, kailangan mag-mature ng mga artista at humanap ng bagong paraan sa pag-arte.

Pagpapatuloy niya,"Dapat 'yung natututunan nila ngayon and thankful si Allen, si Bruce, kept mentioning na marami akong naituro sa kanila at natutuwa naman ako dahil nasa ulo nila, nasa loob nila na meron silang natutunan sa akin but never stop learning.

"My advice is not to stop learning. Every director, every project, they have something to learn and 'wag nilang aalisin sa sarili nila 'yung pagkakataong kunin nila ng matututunan nila that will make them grow."

Sa pagtatapos ng Prima Donnas, masasabi ni Direk Gina na proud siya sa kanyang mga artista na nakasama niya sa loob ng mahigit tatlong taon.

"Katulad ng sa Tween Hearts, sina Barbie [Forteza], sina Derrick [Monasterio], I'm so proud of them. Galing sila, inalagaan namin sila, e, 'di ba? Sila rin, matagal ko na rin sila nakasama, inaalagaan din sila."

Si Direk Gina rin ang naging direktor ng youth-oriented show na Tween Hearts na ipinalabas noong 2010. Dito nagsimula ang career sa showbiz nina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza, Derrick Monaterio, Bea Binene, Kristofer Martin, at marami pang iba.

"I would say na I did my best to take care of all of them, and meron akong nadidinig na mga comments na the kids are very, very good."

A post shared by Gina (@ginalajar)

Mapapanood ang huling linggo ng Prima Donnas sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Eat Bulaga.