GMA Logo Prima Donnas teen stars
Image Source: itselijahalejo (Instagram)
What's on TV

'Prima Donnas' teen stars, naghahanda na sa mga bagong proyekto

By Aaron Brennt Eusebio
Published April 28, 2022 11:34 AM PHT
Updated April 30, 2022 11:30 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Prima Donnas teen stars


Alamin kung saan mapapanood ang teen stars ng 'Prima Donnas' pagkatapos ng kanilang programa.

Nalalapit na ang pagtatapos ng well-loved GMA Afternoon Prime series na Prima Donnas kaya naman excited na ang mga bida nitong sina Jillian Ward, Althea Ablan, at Sofia Pablo sa kanilang mga susunod na project.

Mapapanood na ang pinagbibidahan ni Sofia na sea fanteseries na Raya Sirena, kung saan nakakasama niya rito si Allen Ansay, tuwing Linggo, 3:05 p.m., sa GMA Network.

Muli namang magkakasama sa iisang proyekto ang Sparkle Sweethearts na sina Althea at Bruce Roeland, na mas kilala bilang AlBruce love team.

Kuwento ni Bruce, "Me and Althea are working on something, we're working on a project together. We are excited for this."

Dagdag ni Althea, "I'm ready to work again sa bagong character."

Samantala, may patikim na rin si Jillian sa kanyang susunod na karakter.

Aniya, "Mayroon po akong bagong project, and masasabi ko po na kakaiba po talaga 'yung magiging role ko po."

Magiging parte naman si Will Ashley ng upcoming GMA Afternoon Prime series na The Fake Life samantalang umaasa si Elijah Alejo na magkakaroon siya ng mas mature na role sa susunod niyang proyekto.

A post shared by Elijah Alejo (@itselijahalejo)

Mapapanood ang huling linggo ng Prima Donnas sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Eat Bulaga.