Vince Crisostomo, Will Ashley, at Julius Miguel, makikisaya sa 'Prima Donnas: Watch From Home' mamaya!
Published June 26, 2020, 02:06 PM
Updated August 05, 2020, 11:51 AM
Makikisaya ang Prima Donnas actors na sina Vince Crisostomo, Will Ashley, at Julius Miguel sa online show na 'Prima Donnas: Watch From Home.'
Makakasama nila sina Jillian Ward, Althea Ablan, Elijah Alejo, at Miggs Cuaderno.
Sina Katrina Halili at Eunice Lagusad naman ang magsisilbing moderators ng online show mamaya.
Kung noong Biyernes ay ginanap ang kanilang virtual grand reunion, ngayong linggo naman ay sasabak sa iba't ibang challenges at games sina Jillian, Althea, Elijah, Vince, Will, Julius, at Miggs.
Huwag kalimutang panoorin ang bagong Friday afternoon habit na 'Prima Donnas: Watch From Home,' mamayang 5pm, sa YouTube channel, Facebook page, at Twitter account ng GMA Network.