
Hindi inaasahan ng Prima Donnas stars na sina Jillian Ward, Althea Ablan, Elijah Alejo, Vince Crisostomo, Will Ashley, at Julius Miguel na sila ang mapa-prank noong Biyernes, July 27, sa 'Prima Donnas: Watch From Home.'
Isa sa mga segment ng online show ay ang 'Prank You Very Much Powhzzz' kung saan ipa-prank ng teen stars ang kanilang co-actor sa show na si Eunice Lagusad.
Magpapanggap si Althea na nagde-deliver ng refrigerator na binili pa ni Eunice noong 2019 na nagkakahalagang PhP 18,000.
Nang sabihin ni Althea kay Eunice na kailangan niyang bayaran ang PhP 18,000, nagalit si Eunice dahil wala pa siyang trabaho kaya hindi niya ito babayaran.
“Lahat tayo walang trabaho ngayong GCQ, ano? Naniningil Php 18,000?” tanong ni Eunice na halatang nagagalit na.
Umabot pa sa punto na pina-trace ni Eunice ang cellphone na ginagamit ni Althea.
Muntikan nang umiyak si Althea Ablan dahil sa prank call na ginawa ni Eunice Lagusad.
Sino kaya ang na-prank sa kanila? Si Althea o si Eunice?
Panoorin ang nakakatawang 'Prank You Very Much Powhzzz' ng Prima Donnas:
Patuloy na tumutok sa 'Prima Donnas: Watch From Home' kada Biyernes, 5 p.m., sa GMANetwork.com at sa social media accounts ng GMA Network para mapanood nang live ang masayang kulitan ng cast ng Prima Donnas.