GMA Logo Prima Donnas Watch from Home
What's on TV

Will Ashley on Jillian Ward, "Sino ba naman ang hindi hahanga sa nag-iisang Jillian Ward?"

By Aaron Brennt Eusebio
Published July 22, 2020 5:49 PM PHT
Updated August 5, 2020 12:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Remains of rare sun temple discovered in Egypt - ministry
Food pack, tubig at iba pa, hatid ng GMAKF sa mga nasalanta ng Bagyong Tino sa Negros Island | 24 Oras
‘Wattwatch’ o Responsableng Pagamit sa Kuryente, Gilusad sa DOE-7 | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Prima Donnas Watch from Home


Sa 'Prima Donnas: Watch From Home' noong July 17, nagbigay ng kilig sina Will Ashley at Jillian Ward sa kanilang mga fans.

May pag-amin na naganap sa online show ng Prima Donnas na 'Prima Donnas: Watch From Home' noong Biyernes, July 17.

Sina Jillian Ward at Vince Crisostomo ang nagsilbing hosts ng online show kung saan ipinakilala nila ang kanilang co-stars na sina Althea Ablan at Julius Miguel.

Nang ipapakilala na sina Elijah Alejo at Will Ashley, may sinabi si Vince na ikinakilig ng lahat.

Saad ni Vince, “Papasok din kasi sa room itong tao na 'to na may hidden feelings kay Mayi. Nako, sino yon?”

Ang pinatutungkulan ni Vince na Mayi ay ang karakter ni Jillian sa Prima Donnas na si Donna Marie.

Dagdag ni Vince, “Pero sa real life, hindi ko alam kung mayroon din.”

Napangiti naman sina Althea at Julius sa sinabi ni Vince.

Sagot ni Jillian kay Vince, “Intregero talaga 'to.”

Prima Donnas Watch From Home

Nang sumali na si Will sa kuwentuhan, agad niya ipinaliwanag kung ano ang ibig sabihin ni Vince na mayroon siyang hidden feelings kay Jillian.

Saad niya, “Oy, ano 'yung naririnig ko d'yan na may hidden feelings na 'yan, ha? Sino yan?”

“Totoo naman kasi sino ba namang hindi hahanga sa nag-iisang Jillian Ward.”

Ano kaya ang reaksyon ni Jillian sa sinabi ni Will?

Panoorin ang nakakakilig na eksena na ito sa 'Prima Donnas: Watch From Home:'

Patuloy na tumutok sa 'Prima Donnas: Watch From Home' kada Biyernes, 5 p.m., sa GMANetwork.com at sa social media accounts ng GMA Network para mapanood nang live ang masayang kulitan ng cast ng Prima Donnas.