
Sa GMA Afternoon Prime series na Prinsesa Ng City Jail, nagkabalikan na ang dating magkarelasyon na sina Xavier (Allen Ansay) at Libby (Lauren King).
Dahil sa pagkakaroon ng suicidal tendencies ni Libby, nagparaya na si Princess (Sofia Pablo) at nakipaghiwalay kay Xavier.
Samantala, tuloy-tuloy pa rin ang pang-aagaw ni Divina (Denise Laurel) kay Raymond (Dominic Ochoa), lalo pa't nakabinbin ang kaso ng annulment nila ni Sharlene (Beauty Gonzalez).
Kahit na magkahiwalay na sila, pilit pa ring pinagtatagpo ng tadhana sina Princess at Xavier.
Ano kaya ang magiging reaksyon ni Libby dito?
Patuloy na tumutok sa Prinsesa Ng City Jail, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.