GMA Logo Sofia Pablo
What's on TV

Sofia Pablo, kinakabahan sa first title role sa 'Prinsesa Ng City Jail'

By Aaron Brennt Eusebio
Published January 8, 2025 7:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Sofia Pablo


"Honored, grateful, pero mas excited," paglalarawan ni Sofia Pablo sa nararamdaman niya ngayong malapit nang mapanood ang 'Prinsesa Ng City Jail.'

Aminado ang aktres na si Sofia Pablo na kinakabahan siya ngayong mapapanood siya sa kauna-unahan niyang title role sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Prinsesa Ng City Jail.

Kinakabahan man, masaya si Sofia na mabigyan ng ganitong klaseng oportunidad na maipakita ang kanyang kakayanan bilang aktres.

"Very honored, grateful, pero mas excited kasi the project is really beautiful. Ang dami mong matututunan," saad ni Sofia sa panayam ni Lhar Santiago sa 24 Oras.

Ang katambal naman ni Sofia sa Prinsesa Ng City Jail na si Allen Ansay ay hindi pa rin makapaniwala na bibida na sila sa isang serye.

Saad niya, "Unbelievable siya. Before 'yung ginawa namin, medyo pa-cute lang. Dito, kumbaga, mas naipakita ko na mas nag-level up pa."

Bigatin ang makakasama nina Sofia at Allen sa Prinsesa Ng City Jail tulad nina Beauty Gonzalez, Denise Laurel, at Dominic Ochoa. Makakasama rin nila sina Ayen Munji-Laurel, Keempee De Leon, Jean Saburit, Jett Pangan, Ina Feleo, Betong Sumaya, Maey Bautista, at Minnie Aguilar.

Pag-amin ni Sofia, "Working with them, ang dami ko pong natututunan kasi nao-observe ko rin 'yung methods of acting nila."

Dagdag ni Allen, "Dito po, mom ko si Ms. Ayen. 'Yung mga eksena po namin dito, sobrang bigat talaga. Nung naka-eksena ko siya, hindi pa action, talagang mararamdaman mo na kaya madadala ka."

Dapat rin abangan sa Prinsesa Ng City Jail ang love triangle nina Allen, Sofia, at Will Ashley na gaganap bilang sina Xavier, Princess, at Onse.

"Na-e-excite din ako kapag nakilala nila si Xavier and si Onse," nakangiting tugon ni Allen.

Sino kaya ang pipiliin ni Princess kina Xavier at Onse?

"Xavier and Onse are two really different characters. [Kung] gusto mo 'yung simple guy, 'yung best friend na always there for you, kay Onse ka. Pero kung gusto mo 'yung mangangarap ka, 'Ang gwapo!' kay Xavier ka."

Panoorin ang buong report ni Lhar Santiago DITO:

Mapapanood ang world premiere ng Prinsesa Ng City Jail sa Lunes, January 13, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime.