GMA Logo Lauren King
What's on TV

Lauren King, bakit kinabahang makatrabaho sina Sofia Pablo at Allen Ansay sa 'Prinsesa ng City Jail'?

By Dianne Mariano
Published January 9, 2025 5:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gloria Romero, Nora Aunor, Emman Atienza, more celebrities who left us this 2025
Matibay na tulay, ipinatatayo sa Brgy. Puray ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust

Article Inside Page


Showbiz News

Lauren King


Ikinuwento ng Fil-Aussie star na si Lauren King ang kanyang experience nang makatrabaho sina Sofia Pablo at Allen Ansay sa 'Prinsesa ng City Jail.'

Kabilang ang Sparkle actress na si Lauren King sa stellar cast ng upcoming afternoon drama series na Prinsesa ng City Jail.

Makikilala ang Filipino-Australian star bilang Libby sa naturang serye. Sa naganap na media conference kamakailan, inamin ni Lauren na nakaramdam siya ng kaba noong una niyang malaman na makakatrabaho niya ang lead stars na sina Sofia Pablo at Allen Ansay.

“Medyo talagang kinabahan po ako kasi siyempre Team Jolly na 'yan e. Meron na po talaga silang na-build na name dito sa industry. But habang tumatagal po 'yung taping, talagang na-build po namin 'yung friendship na meron kami ngayon.

Ayon pa sa young actress, naging malaking tulong ang kanilang pagkakaibigan para mabuo ang mga eksena nila sa serye.

Patuloy niya, “And I believe isa po 'yun sa [mga] importante para mabigay po namin 'yung best namin sa every scene para wala pong ilangan, and talagang napag-uusapan po namin 'yung bawat scene, especially po with Sofia kasi talagang 'yung mga away scenes po namin talagang malala po.

“Minsan tinatanong na rin po kami ni Direk kung parang magkaaway ba kami in real life, may galit ba kami sa isa't isa, kasi talagang grabe po 'yung mga scenes na ginagawa po namin. But I'm really grateful kasi talagang never po nilang pina-feel na nagsisimula palang ako bilang aktor, especially po kay Direk na talagang naging patient po with me.”

Matapos ito, sinabi rin ni Lauren na excited siya na mayroong magagalit sa kanyang gagampanang karakter sa serye.

“I'm more than ready. Actually, medyo na-e-excite po ako na may magalit sa akin kasi ang sinasabi po palagi sa akin, kapag kontrabida ka, kapag may nagalit po sa 'yong viewers or fans, it means po na nagawa mo po nang maayos 'yung trabaho mo. And 'yun naman po 'yung goal ko," saad niya.

Abangan ang world premiere ng Prinsesa ng City Jail sa January 13 sa GMA Afternoon Prime.

BALIKAN ANG NAGANAP NA MEDIA CONFERENCE NG 'PRINSESA NG CITY JAIL' SA GALLERY NA ITO.