GMA Logo Prinsesa Ng City Jail
What's on TV

'Prinsesa ng City Jail' pilot episode, umani ng papuri online

By Aaron Brennt Eusebio
Published January 14, 2025 1:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Japan proposes record budget spending while curbing fresh debt
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Prinsesa Ng City Jail


Trending sa X Philippines at talagang tinutukan ng mga manonood ang pilot episode ng 'Prinsesa Ng City Jail.'

Umani ng papuri ang unang episode ng pinakabagong family drama ng GMA Afternoon Prime na Prinsesa ng City Jail na pinagbibidahan nina Sofia Pablo at Allen Ansay.

Nagsimula na ang kuwento ni Princess (Sofia) kahapon, January 13, at maganda ang naging reaksyon ng mga manonood rito. Nagsimula kasi ang istorya sa isang talumpati ni Princess nang siya ay nakapagtapos ng high school.

Sa social network site na X, na dating kilala bilang Twitter, trending sa Pilipinas ang hashtag na #PrinsesaNgCityJail.

A post shared by Sparkle GMA Artist Center (@sparklegmaartistcenter)

Pinuri rin ng mga manonood sina Sofia, Beauty Gonzalez, at Denise Laurel. Marami ang naawa kay Princess na nangungulila sa aruga ng isang ina.

A post shared by GMA Drama (@gmadrama)

Sa episode ngayong Martes, maghaharap na sa kulungan sina Sharlene (Beauty) at Divina (Denise) na parehong buntis.

Patuloy na samahan si Princess sa pagbibigay niya ng liwanag sa mundo ng mga bilanggo sa Prinsesa Ng City Jail, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.