GMA Logo Prinsesa Ng City Jail pilot episode ratings
What's on TV

'Prinsesa Ng City Jail' pilot episode, nakapagtala ng 7.2% ratings

Published January 14, 2025 6:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Fountain candle' sparklers likely started Swiss bar fire, says prosecutor
Negros Occ records over 260 road mishaps
2026: A guide to the Year of the Fire Horse

Article Inside Page


Showbiz News

Prinsesa Ng City Jail pilot episode ratings


Unang episode pa lang ng 'Prinsesa Ng City Jail' pero nakapagtala agad ito ng 7.2% ratings!

Unang episode pa lang ng pinakabagong family-drama ng GMA Afternoon Prime na Prinsesa Ng City Jail pero tinutukan agad ito ng mga tao, hindi lang online kung hindi pati sa telebisyon.

Ayon sa NUTAM People Ratings, nakapagtala ng 7.2% ratings ang pilot episode ng Prinsesa Ng City Jail, 'di hamak na mas malaki sa katapat nitong programa na nakakuha lamang ng 0.3%.

A post shared by GMA Drama (@gmadrama)

Kapana-panabik ang mga tagpo sa unang episode ng Prinsesa Ng City Jail dahil ipinakita agad rito ang pangungulila ni Princess sa kanyang ina nang magbigay siya ng talumpati sa kanyang high school graduation.

Dito rin sinabi kung bakit nagka-away ang dating magkaibigan na sina Sharlene (Beauty Gonzalez) at Divina (Denise Laurel) na pareho ngayong nakakulong.

Patuloy na samahan si Princess sa pagbibigay niya ng liwanag sa mundo ng mga bilanggo sa Prinsesa Ng City Jail, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.

RELATED CONTENT: 'Prinsesa ng City Jail' holds media conference: All you need to know