GMA Logo Sofia Pablo at Allen Ansay
What's on TV

Sofia Pablo at Allen Ansay, kumusta ang relasyon sa seasoned stars ng 'Prinsesa Ng City Jail'

By Aaron Brennt Eusebio
Published February 21, 2025 5:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

CEO of Prince Harry and Meghan’s charitable arm to step down
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Sofia Pablo at Allen Ansay


Kumusta kaya ang working relationship nina Sofia Pablo at Allen Ansay sa mga batikang aktor na sina Beauty Gonzalez, Keempee de Leon, Dominic Ochoa, at Ayen Munji-Laurel sa 'Prinsesa Ng City Jail?'

Maraming natututunan sina Sofia Pablo at Allen Ansay sa mga batikang artista na kasama nila sa GMA Afternoon Prime series na Prinsesa Ng City Jail na sina Beauty Gonzalez, Keempee de Leon, Dominic Ochoa, at Ayen Munji Laurel.

Ayon kay Sofia, kapag sama-sama sila sa iisang eksena ay bigay na bigay ang lahat sa emosyon kaya mas gumaganda ang kanilang programa.

Aniya, "Iba siyang experience kasi kapag may mga eksena kami na 'yung talagang emosyon, talagang bigay na bigay lahat so mas lumalalim rin 'yung craft namin sa pag-arte."

Dagdag ni Allen, "Kanina, 'yung kinukunan namin, talagang kumpleto buong cast, and talagang napakaganda nung eksena. Ginawa namin siya, kumbaga, buong-buo na 'yung karakter ng isa't isa kaya nagawa namin siya nang maganda."

Talagang kapana-panabik ang mga susunod na eksena sa Prinsesa Ng City Jail lalo na't nasa loob na ng kulungan si Xavier (Allen) samantalang lalaya na ang ina niyang si Leilani (Ayen).

Panoorin ang buong report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras DITO:

Simula February 24, mapapanood na ang Prinsesa Ng City Jail mula Lunes hanggang Sabado sa mas pinaaga nitong oras na 2:30 p.m.