
Tahasang tinuro ni Libby (Lauren King) na sina Princess (Sofia Pablo) at Pusoy (Betong) ang mastermind sa naganap na pangingidnap sa kanya sa GMA Afternoon Prime series na Prinsesa Ng City Jail.
Sa testimonya ni Libby sa mga pulis, sinabi nito na si Princess ang mastermind ng pangingidnap sa kanya at ito din ang nag-utos kay Pusoy na dukutin si Libby.
Kapana-panabik ang paparating na eksena ngayong araw, March 27, dahil mapipilitang umamin si Pusoy sa kasalanang hindi niya naman ginawa.
Paano kaya malilinis nina Princess at Pusoy ang pangalan nila?
Patuloy na tumutok sa Prinsesa Ng City Jail, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.