GMA Logo Beauty Gonzalez in Prinsesa Ng City Jail
What's on TV

Prinsesa ng City Jail: Sharlene, nakalaya na sa kulungan kahit sinabotahe ni Divina

By Aaron Brennt Eusebio
Published April 15, 2025 3:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Israel bans mobile phones in primary schools
Food pack, tubig at iba pa, hatid ng GMAKF sa mga nasalanta ng Bagyong Tino sa Negros Island | 24 Oras
‘Wattwatch’ o Responsableng Pagamit sa Kuryente, Gilusad sa DOE-7 | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Beauty Gonzalez in Prinsesa Ng City Jail


Nakalaya na si Sharlene (Beauty Gonzalez) sa pagkakakulong pero hindi pa dito natatapos ang problema nilang mag-asawa.

Sa GMA Afternoon Prime series na Prinsesa Ng City Jail, nakalaya na si Sharlene (Beauty Gonzalez) kahit tinangka ni Divina (Denise Laurel) na pigilan ito.

Nagpadala kasi ng testimoniya si Leilani (Ayen Munji Laurel) na hindi si Sharlene ang nagtangkang pumatay sa kanya kaya pinayagan siyang makapag-piyansa.

Sa loob ng kulungan, may binayarang tao si Divina para patayin si Sharlene pero buti na lang ay may nagtanggol sa kanyang kapwa preso.

Nakalaya na si Sharlene mula sa pagkakakulong pero hindi pa rin tapos ang problema nila ng asawa niyang si Raymond (Dominic Ochoa).

Nagseselos kasi si Sharlene sa pagiging malapit ni Raymond kay Divina, samantalang nagseselos naman si Raymond sa abogado ni Sharlene na si Adrian (Adrian Alandy).

Patuloy na tumutok sa Prinsesa Ng City Jail, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.