GMA Logo Sofia Pablo in Prinsesa Ng City Jail
What's on TV

Prinsesa Ng City Jail: Princess, nakalaya na sa pagkakakulong; haharapin na si Libby

By Aaron Brennt Eusebio
Published April 22, 2025 2:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

New Year's 2026 celebration around the world
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

Sofia Pablo in Prinsesa Ng City Jail


Ngayong nakalabas na si Princess sa kulungan, malaman na kaya nila na hindi totoo ang nangyaring kidnapping kay Libby?

Matapos ang ilang linggong pagkakakulong, nakalaya na si Princess (Sofia Pablo) pagkatapos iurong ni Pusoy (Betong) ang alegasyon nitong siya ang mastermind sa kidnapping diumano ni Libby (Lauren King).

Nang makalabas si Princess mula sa kulungan, pinuntahan niya muna ang ina ni Onse (Will Ashley) na pinaniniwalaan nilang namatay na.

Samantala, gustong gusto pa rin ni Sonya (Jean Saburit) na gamitin ang impluwensya nila para mapabalik si Princess sa loob ng kulungan. Sa kabutihang palad, hindi pumayag si Sharlene (Beauty Gonzalez) dito.

Ngayong nakalabas na si Princess sa kulungan, malaman na kaya nila na hindi totoo ang nangyaring kidnapping kay Libby?

Patuloy na tumutok sa Prinsesa Ng City Jail, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.