
Sa GMA Afternoon Prime series na Prinsesa Ng City Jail, umamin na sina Princess (Sofia Pablo) at Xavier (Allen Ansay) ng nararamdaman nila para sa isa't isa.
Nalagay sa panganib ang buhay ng dalawa nang sundan nila ang van na ginamit sa fake kidnapping ni Libby (Lauren King) kasama sina Justin (Radson Flores) at Pusoy (Betong).
Panoorin ang nakakakilig na pag-amin nina Princess at Xavier sa isa't isa:
Dahil sa eksenang ito, maraming mga manonood ng Prinsesa Ng City Jail ang kinilig.
Ano kaya ang mangyayari sa pagmamahalan nina Princess at Xavier ngayong desidido na si Dado (Keempee de Leon) na umuwi sa Bicol?
Patuloy na tumutok sa Prinsesa Ng City Jail, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.