GMA Logo Keempee de Leon and Denise Laurel in Prinsesa Ng City Jail
What's on TV

Dado, alam na ang sikreto ni Divina kaya nanganganib ang buhay!

By Aaron Brennt Eusebio
Published May 26, 2025 2:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos admin maintained low inflation, strong economy in 2025 – Recto
Lifestyleverse: Quick tour inside Mandarin Bay in Boracay
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Keempee de Leon and Denise Laurel in Prinsesa Ng City Jail


Makaligtas kaya si Dado sa tangkang pagpatay sa kanya ni Divina? O masabi niya ang totoo kay Princess na hindi si Divina ang tunay nitong anak?

Sa GMA Afternoon Prime series na Prinsesa Ng City Jail, nanganganib ang buhay ni Dado (Keempee de Leon) ngayong alam na niya ang sikreto ni Divina (Denise Laurel) na si Sharlene (Beauty Gonzalez) ang tunay na ina ni Princess (Sofia Pablo).

Napatunayan na kasi ni Dado na hindi si Divina ang tunay na ina ni Princess dahil pina-DNA test niya ito.

Sa kasamaang palad, hindi agad nasabi ni Dado kay Princess ang totoo. Natunugan ito ni Divina kaya nauna siyang pumunta sa bahay nina Dado kung saan niya nilagay sa panganib ang buhay nito.

Makaligtas kaya si Dado sa tangkang pagpatay sa kanya ni Divina? O masabi niya ang totoo kay Princess na hindi si Divina ang tunay nitong anak?

Patuloy na tumutok sa Prinsesa Ng City Jail, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.