
Ngayong opisyal na siyang parte ng Pamilya Cristobal, nagkaroon na ng makeover si Princess (Sofia Pablo) sa tulong ng kanyang inang si Sharlene (Beauty Gonzalez) at ni Mimi (Pauline Mendonza).
May balak kasi sina Sharlene, Raymond (Dominic Ochoa), at Sonya (Jean Saburit) na ipakilala si Princess sa kanilang mga kaibigan lalo na't matagal itong nawalay sa kanila. Kasabay rin nito ay ipagdidiwang din ng pamilya ang kaarawan ni Princess.
Nagbago man ang kanyang buhay, ayaw pa rin ni Princess na maalis sa kanya ang pagiging simpleng dalaga na lumaki sa city jail.
Samantala, sinusubukan pa rin ni Divina (Denise Laurel) na manipulahin ang anak niyang si Libby (Lauren King). Kahit nasa loob na ng kulungan, pinagpaplanuhan pa rin ni Divina kung paano siya makakapaghiganti kina Sharlene at Raymond.
Patuloy na tumutok sa most satisfying finale week ng Prinsesa Ng City Jail, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.