Sofia Pablo, Allen Ansay, 'Prinsesa ng City Jail' cast, pinasaya ang mga Kapuso sa Kansilay Festival

Naghatid ng saya at kilig ang mga bida ng Prinsesa ng City Jail na sina Sofia Pablo, Allen Ansay, Lauren King, Radson Flores, at Prince Clemente sa naganap na Kansilay Festival sa Silay City, Negros Occidental.
Ang Kansilay Festival ay ipinagdiriwang para bigyang pugay ang folk hero na si Princess Kansilay o Silay. Ayon sa mga kuwento, ipinagtanggol ng prinsesa ang mga tao at nilabanan ang mga piratang mananakop. Ngunit sa paglaban niyang ito pumanaw ang prinsesa.
Kaya naman, inihayag nila bilang Charter Day ng Silay City ang June 12 bilang paggunita sa katapangan ni Prinsesa Silay.
Samantala, tingnan kung papaano pinakilig nina Sofia, Allen, Lauren, at Radson ang mga Kapuso sa Silay sa gallery na ito:













