
Handa na bang maging kontrabida si Alden Richards?
Excited na si Alden Richards sa kanyang karakter sa upcoming drama na Pulang Araw. Break muna 'di umano si Alden sa kanyang good boy image.
My ni-reveal din si Alden tungkol sa kanyang first directorial film, 'yan ang chika ni Cata Tibayan sa 24 Oras.
"Marumi, bad boy, basagulero...ang nagustuhan ko ito nung prinesent sa akin ito, [sabi sa akin] 'Madumi ka dito.'"
"[Ang sagot ko], 'okay po,'"
Pabirong dagdag ni Alden, "Tama na tayo sa goody-goody, na ang linis-linis."
Abala si Alden hindi lang sa pagiging aktor at bagong direktor--pati na rin sa kanyang organisasyon para sa mga underprivileged children.
Ang inilunsad ni Alden na AR Foundation, patuloy na nag-aabot ng tulong sa mga kabataan para sa kanilang edukasyon.
"So ngayon, we're at 25. Mayroon na tayong five college graduates. 'Yung isa nating graduate, naging head ng Santa Rosa SK League. Our scholars are reaching those kinds of heights. Future na ang pinag-uusapan natin dito eh. And you do not take the future of kids for granted."
May hinahanda ring medical mission din si Alden Richards para sa 50th anniversary ng Movie Workers Welfare Foundation o Mowelfund.
Malapit na rin mapanood ang pelikulang Out of Order, na si Alden mismo ang bibida at nag-direct.
"All-in din siya in terms of culture. The LGBTQIA+ community is also a part of this. It's a family story, it's a friendship story."
Panoorin ang buong ulat sa 24 Oras:
CHECK OUT ALDEN RICHARDS'S DIFFERENT LOOKS: