GMA Logo Barbie Forteza
Source: barbaraforteza/melle.studioph (Instagram)
What's on TV

Barbie Forteza sa kanyang karakter sa 'Pulang Araw': 'Parang karga ko lahat'

By Jimboy Napoles
Published April 1, 2024 6:10 PM PHT
Updated July 3, 2024 3:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza


Gaganap si Barbie Forteza bilang isang bodabil star sa historical drama na 'Pulang Araw'.

Tiyak na muling mamahalin ng mga manonood ang bagong karakter ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza sa upcoming historical drama na Pulang Araw.


Sa interview ng GMANetwork.com kay Barbie, nagkuwento ang aktres tungkol sa magiging role niya serye bilang si Adelina na kapatid nina Teresita at Eduardo, mga karakter na ginagampanan nina Sanya Lopez at Alden Richards.

“Nakakatuwa dahil 'yung character ko rito si Adelina siya yung parang ano e, nagbibigay ng lightness sa ibang characters, especially sa dalawa kong kapatid, kay Sanya at kay Alden, kasi sila 'yung mas heavy 'yung pinanggalingan,” ani Barbie.

Ayon kay Barbie, magiging selfless ang kanyang karakter para sa ikasasaya ng mga mahal niya sa buhay.

Aniya, “So, ako 'yung parang…'Okay sige I will bring lightness to you,' kasi kumbaga parang karga ko lahat ganun. Isasantabi ko 'yung totoo kong nararamdaman para mapasaya 'yung iba.”

Bukod dito, inamin din ni Barbie na talagang nahirapan siya noong una sa pag-aaral nila ng tap dancing ni Sanya. Sa nasabing serye, gaganap kasi ang dalawang aktres bilang bodabil stars noong Japanese occupation sa Pilipinas.

“Well, no'ng una, mahirap siya kasi bago siya sa amin ni Sanya. First time talaga namin siyang gawin, pero habang tumatagal at dumarami 'yung classes namin, unti-unti namin siyang naiintindihan kasi pinaka-importante talaga, makuha mo 'yung rhythm. 'Pag nakuha mo 'yung rhythm ng kanta, no'ng material, makukuha mo 'yung beat,” kuwento ni Barbie.

Dagdag pa niya, “So, kumbaga muscle memory na lang siya, magta-tap ka na lang talaga. 'Yun nga lang minsan nakakalito kasi magkaiba ang toe at heel kasi diba minsan napagsasabay natin parehas. So, ang tip sa amin ng teacher namin, kailangan bend your knees para hindi palaging flat sa floor yung feet, parang may chance ka kung alin lang 'yung ita-tap mo 'di ba? kung toe of heel lang.”

Samantala, reunited naman sa nasabing series si Barbie sa kanyang co-stars sa Maria Clara at Ibarra na sina Dennis Trillo, at kanyang ka-love team na si David Licauco.

Ang Pulang Araw ay sa ilalim ng direksyon ni Dominic Zapata at sa panulat ni Suzette Doctolero.

RELATED GALLERY: All of Barbie Forteza's 25 Kapuso teleseryes