
Sa unang pagkakataon ay sinubukan ng direktor na si Aya Topacio ang magdirek ng isang sexy movie sa pamamagitan ng Mahal Ko ang Mahal Mo ng Vivamax.
Si Aya ay kilalang second unit director ng mga hit teledrama ng GMA Network tulad ng Royal Blood (2023), Hearts on Ice (2023), Mga Lihim ni Urduja (2023), Bolera (2022), Prima Donnas (2019), Kambal Karibal (2017), at marami pang iba.
Ayon kay Direk Aya, masaya ang naging experience niya sa paggawa ng Mahal Ko ang Mahal Mo.
“One, hindi mahirap i-handle itong mga artistang binigay sa akin para sa Mahal Ko ang Mahal Mo. Masaya, sobra akong nag-enjoy. Kaya nga binibiro ko si Boss Val [Valerie del Rosario, producer], 'Puwede pa ako, ha?'”
Nabanggit din niyang natuwa siya dahil tila nabigyan siya ng kalayaan sa kung paano niya gusto tumakbo ang istorya ng pelikula.
“In a way, oo. Kasi siyempre, sa rom-com, sa mga teleseryeng ginagawa namin, very straight ang story, e, di ba? Dito kasi, ako ' to. Ganun kalibre kaya okay siya.”
Sa hiwalay na panayam, sinabi rin niya na, “At first, medyo hesitant ako kasi ang daming dapat i-consider. Like, I'm coming from a soap, I'm coming from a rom-com. Normal lang naman siguro for a first timer yung, 'Tama ba itong gagawin ko?'
“But then again, sabi ko nga, it's based on my life experience on how I deal with all the sensuality, expressing my real self here. Ito siya, wala siyang pagkakaiba doon sa totoong nangyayari sa atin. Yun ang ginamit ko, na nakatulong sa akin.'
Bukod sa mas may kalayaan sa padidirek, nagustuhan din ni Direk Aya ang kanyang mga naging artista dahil magaan silang katrabaho.
Sa pelikulang ito, bibida sina Angelica Hart, Angeline Aril, at Van Allen Ong.
Kuwento ni Direk Aya, “I never expected everybody to be that prepared, sobra. When we were doing the blocking kasi… Sanay kasi ako na sasasabihin mo sa artista na, 'Ito ang gagawin mo, pupunta ka rito.' Dito, talagang 'O, hahalikan ka niya rito.' When I gave the instructions to them, nagulat ako kasi ginawa na nila.
"So sa akin, okay, it's easy for me to execute more and go for details more. Hindi na ako nahihirapan kasi naiintindihan nila yung gusto ko. Nabibigay nila. That's why I'm very happy to be working with these three actors.”
(Mula sa kaliwa) Director Aya Topacio kasama ang 'Mahal Ko ang Mahal Mo' stars na sina Angelica Hart, Van Allen Ong, at Angeline Aril.
Bagamat nasubukan na niya ang gumawa ng ganitong klaseng pelikula, hindi naman daw iiwan ni Direk Aya ang paggawa ng teledrama.
“Actually, I love drama, e. Madramang tao kasi ako. I love directing drama kaya kung titingnan n'yo po, yung mga nasasamahan kong soap, talagang drama siya,” pagtatapos ni Direk Aya.
Sa ngayon, nagsisilbing associate director si Direk Aya sa upcoming historical series na Pulang Lupa, na idinidirehe ni Dominic Zapata. Ito ay pagbibidahan nina Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco, at Alden Richards.