
Dalawang linggo bago ipalabas sa telebisyon at streaming platform ay pinag-uusapan na agad ngayon ang highly-anticipated series ng GMA na Pulang Araw.
Sa media conference ng nasabing serye kamakailan, isa-isang ipinakilala ang mga bida nito na sina Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco, at Alden Richards. Maging ang supporting cast na bubuo sa serye.
Sa naturang event, nagkaroon din ng special advance screening para sa ang press at ilang social media influencers, kung saan ipinalabas ang pilot at official primer ng serye.
Sa panayam ng GMANetwork.com, sinabi nina nina Barbie, Sanya, David, at Alden na very proud sila sa nabuo nilang dekalibreng serye.
“Sobrang nakaka-proud dahil ang tagal namin 'tong ginawa. Sa katunayan, December last year ginagawa na namin ito. So, finally naipalabas na at nakita na po ng ilan sa mga panauhin kanina. So, we're just very proud na part kami ng napakalaking historical drama ng 2024,” ani Barbie.
Dagdag naman ni Sanya, “Siyempre, sa umpisa talagang nakakakaba pero nandun 'yung excitement mas more 'yung excitement. Pero alam mo 'yung pinaka-nakakapawi ng lahat ng pagod namin dito is yung reaction ng mga tao, kung paano sila amin na kino-congratulate kami kasi nagandahan sila doon sa Pulang Araw. 'Yun 'yung masarap sa pakiramdam talaga.”
Para naman kay David, “I feel nice. I feel grateful. I feel overwhelmed dahil siyempre napakaganda nung cast, napakaganda nung production and this is backed up pa by Netflix. So, it's a huge honor for me and I just can't wait for July 26 dahil mapapanood ko na siya personally.”
Excited din si Alden na mapanood pa ng mas maraming Filipino audience ang Pulang Araw.
Aniya, “Nakaka-proud lang and I'm very much grateful dahil bago pa man umere ang Pulang Araw we have months and months of preparation you know for taping. Ito yata 'yung isa sa mga project ko na ang tagal nang [ginawa] bago iere sa telebisyon at sa isang platform which is Netflix.
“So, all the hardwork paid off and we're just very much excited sa mga bagay na puwede nilang mapanood dito dahil kahit fiction 'yung ginagawa nating konsepto this is based on real events and what really happened during the Japanese occupation here in the Philippines which is World War II.”
Panoorin ang official primer ng Pulang Araw, DITO:
Mapapanood ang Pulang Araw simula sa July 29 sa GMA Prime.
RELATED GALLERY: Pulang Araw cast, ipinakilala sa isang enggrandeng media conference