GMA Logo David Licauco on Pulang Araw
What's on TV

David Licauco earns high praise in a tribute video for 'Pulang Araw'

By Jimboy Napoles
Published July 14, 2024 7:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco on Pulang Araw


Marami ang bumilib sa acting performance ni David Licauco sa isang tribute video para sa 'Pulang Araw.'

Umani ng samu't saring papuri mula sa kaniyang fans at maraming netizens si Pambansang Ginoo David Licauco sa kaniyang emotional performance sa isang tribute video para sa highly-anticipated series ng GMA na Pulang Araw.

Sa nasabing video, mapapanood si David na nakaupo sa isang madilim na silid na tila ikinulong at iginapos. Tumutula rito ang aktor tungkol sa kahalagahan ng pagkakapantay-pantay ng mga tao.

Sa Pulang Araw, binibigyang buhay ni David ang karakter ni Hiroshi Tanaka na anak ng Japanese immigrants sa Pilipinas noong 1940s. Siya ay lalaki kasama ang kaniyang mga kababata na sina Adelina Dela Cruz (Barbie Forteza), Teresita Borromeo (Sanya Lopez), at Eduardo Dela Cruz (Alden Richards).

Sa magiging takbo ng istorya, mapipilitang umalis ng Pilipinas si Hiroshi upang magsilbi sa kaniyang bansang Japan. Sa kaniyang pagbabalik, masusubok ang tibay ng kanilang samahan ng kaniyang mga kaibigan.

Napansin ng netizens ang kakaibang atake ni David sa nasabing tribute video kung saan lumabas ang kaniyang husay sa pag-arte.

“David Licauco's eyes is expressive that can show deep sense of emotions. So proud of you no wonder one day you will win a best actor award,” papuri ng isang fan.

“Hala goosebumps ako Boss D. ang galing mo din pala mag-spoken poetry. Grabe talaga looking forward to see you as Hiroshi Tanaka,” dagdag pa ng isang fan.

“Galing ni David naiyak ako aabangan ko talaga 'yan Pulang Araw excited na 'ko,” komento ng isang netizen.

“Wow galing ni David Licauco kinilabutan ako sa acting. Congratulations!” mensahe ng fan.

Subaybayan ang Pulang Araw simula sa July 29 sa GMA.

RELATED GALLERY: 'Pambansang Ginoo' David Licauco thirst trap photos