GMA Logo David Licauco
What's on TV

David Licauco beats fellow 'Pulang Araw' stars in 'Pinoy History Challenge'

By Jimboy Napoles
Published July 28, 2024 3:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cebu landfill landslide victims now all accounted for with last missing body found
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco


Marami ang natuwa sa galing ni David Licauco tungkol sa Philippine history.

Tinawag na “Best in Araling Panlipunan” ng ilang netizens ang Pambansang Ginoo na si David Licauco dahil sa pinakita nitong galing sa ”Pinoy History Challenge” kasama ang kaniyang kapwa Pulang Araw actors na sina Barbie Forteza, Sanya Lopez, at Alden Richards.

Sa YouTube vlog ni Chris Cantada Force, sumalang sa nasabing challenge ang apat na Kapuso stars kung saan sinagot nila ng “Tama” o “Mali” ang mga pahayag na binabanggit tungkol sa Philippine history.

Unang tanong ni Chris sa apat, “Christopher Columbus discovered the Philippines.”

“Ganung level?” reaksyon ni Barbie.

Una namang nagtaas ng kamay si David, at sumagot, “Mali. Fedinand Magellan.”

Bukod dito, nagtanong din si Chris tungkol sa Japanese occupation sa Pilipinas na setting ng kanilang serye na Pulang Araw.

“During the Japanese occupation, Sergio Osmeña was appointed the Filipino President by the Japanese,” tanong ni Chris.

“Mali. Manuel L. Quezon?” sagot ni Alden.

“No,” ani Chris.

“Jose P. Laurel,” tugon naman ni David.

“Yes,” nakangiting sinabi ng host.

“Basang-basa mo 'yung history a,” natatawang sabi ni Sanya.

“Ang cute mo. I'm so proud of you,” sabi naman ni Barbie kay David.

Sa 11 na tanong ni Chris, eight dito ang tamang nasagot ni David.

“Grabeeee, pati ba naman dito goosebumps ka rin papi David ang talino sa history,” komento ng isang fan.

“Wow David! 'di lang pogi matalino pa! Iba ka talaga ginoo. Laging proud sayo!” mensahe pa ng isang fan.

“Deserve ang Pambansang Ginoo title ni David!!!!” dagdag ng netizen.

Samantala, kasalukuyang napapanood ngayon sa Netflix ang Pulang Araw. Mapapanood naman ito ng libre sa mga telebisyon simula bukas, July 29, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

RELATED GALLERY: 'Pambansang Ginoo' David Licauco thirst trap photos