GMA Logo barbie forteza and david licauco
What's on TV

Barbie Forteza, may isiniwalat sa sampalan nila ni Sanya Lopez sa 'Pulang Araw'

By Kristian Eric Javier
Published September 5, 2024 11:34 AM PHT

Around GMA

Around GMA

'Steel Ball Run: JoJo's Bizarre Adventure' to release first episode in March 2026
My Chemical Romance moves Asia show dates to November 2026fa
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

barbie forteza and david licauco


Alamin kung ano ang komento nina Barbie Forteza at David Licauco tungkol sa kanilang co-stars na sina Alden Richards at Sanya Lopez.

Sa pamamagitan ng Pulang Araw, magkakasama sa unang pagkakataon sina Barbie Forteza, David Licauco, Sanya Lopez, at Alden Richards.

Aminado sina Barbie at David na kahit first time nilang magkakatrabaho, magaan agad sa set dahil maganda ang dynamics sa pagitan nilang apat.

Isa sa mga pinag-uusapang eksena kamakailan lang sa hit historical series na Pulang Araw ay ang mainit na palitan ng salita at malutong na sampal sa pagitan nina Sanya at Barbie.

Kaya naman, sa Updated with Nelson Canlas podcast, tinanong ng host na si Nelson kung kamusta ang working dynamics ng aktres sa kaniyang co-star.

Ani Barbie, “Working dynamics naman namin ni Sanya, we try to separate our personal relationship with our working relationship kasi ngamagkaiba e.”

Ayon kay Barbie, kung sa serye ay si Sanya ang older sister sa kanilang dalawa, sa totoong buhay ay parang siya ang mas nakakatanda sa kanila.

“Pero ngayon, mas parang mas ako 'yung nagpapakabata para umangat 'yung pagiging ate niya. Kaya 'yung napapansin niyo sa mga eksena namin, mas binabataan ko 'yung sarili ko,” sabi ng aktres.

Tungkol naman sa malutong na sampal na binitawan ni Sanya, “Actually, to be fair, 'yung sa kissing scene, 'yung sampalan namin ni Sanya, daya rin 'yun. Sa mga sampal... 'Yung sabunot ni Miss Angelu [de Leon], 'yun, totoo 'yun, pero daya lang din. Tapos 'yung mga sampal talaga, lahat 'yun sapaw.”

BALIKAN ANG BUONG CAST NG 'PULANG ARAW' NA IPINAKILALA SA ISANG ENGGRANDENG MEDIA CON S GALLERY NA ITO:

Tungkol naman kay Alden, aminado si Barbie na ito ang unang pagkakataon na nakatrabaho niya ang Asia's Multimedia Star sa isang teleserye at ang komento niya tungkol dito, “Working with Alden also is always a pleasure.”

“Ang maganda kay Alden, kahit Alden siya, le-level siya sa 'yo, e. Kung sino 'yung kausap niya-- direktor, artista, crew--le-level siya sa 'yo. So, marunong talaga makisama ang isang Alden Richards,” sabi ng Kapuso Primetime Princess.

Minsan na ring inamin ni David na intimidated siya kay Alden. Ngunit aniya, napatunayan niya sa pagtatrabaho nila sa Pulang Araw na talagang mabait ang kaniyang co-star.

“Pinanood ko 'yung mga movie niya, I got intimidated but one thing I noticed is he's really nice. He's a nice person atsaka very mabigay. For example, he came from Canada tapos may bigay siya sa'min na mga pasalubong, generous,” sabi ni David.

Tungkol naman kay Sanya, ang masasabi ng Pambansang Ginoo, “Sanya naman, napakagaling na actress, subtle lang siya mag-acting but [you will] really feel it.”

Panoorin ang Pulang Araw Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m., sa GMA Prime.

Pakinggan ang buong panayam nina Barbie at David dito: