GMA Logo Sanya Lopez
Source: sanyalopez/IG
What's on TV

Sanya Lopez, nagpasalamat sa papuring natanggap para sa 'Pulang Araw'

By Kristian Eric Javier
Published October 12, 2024 3:04 PM PHT
Updated October 12, 2024 5:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez


Puno ng pasasalamat si Sanya Lopez sa mga papuring natanggap para sa 'Pulang Araw.'

Umani ng papuri kamakailan ang First Lady of Primetime na si Sanya Lopez matapos ang ilang intense niyang eksena sa hit historical drama series na Pulang Araw.

Sa episode 54 ng nasabing serye, ipinakita na dinakip ang karakter ni Sanya na si Teresita ng mga Hapones para dalhin sa comfort women house sa pag-uutos ni Col. Yuta Saitoh (Dennis Trillo).

Dito ay nasaksihan niya ang masalimuot na kundisyon ng kaniyang kapwa Pilipina sa kamay ng mga mapang-abusong Hapones.

Maraming bumilib sa acting performance ni Sanya sa kaniyang mga eksena sa naturang episode at nagpahtid ng kanilang mga papuri sa iba't ibang social media channels.

Sa X (dating Twitter), ay pinasalamatan ng Pulang Araw star ang mga manonood.

“Halu halo na nararamdaman ko…nakakataba ng puso yung mga komento ninyo sa eksenang napakasakit sa puso… gets nyo po…basta yun po maraming salamat po ” sulat niya sa kaniyang post.

Sa isang naunang panayam kay Sanya, nasabi na ng aktres na naging puspusan ang kaniyang paghahanda para sa kaniyang karakter na si Teresita - isang Bodabil star na magiging isang comfort woman.

“Ako, pinakagusto ko talaga sa character ko dito, siya 'yung pinakanagsasakripisyo. Pakiramdam ko siya 'yung ang daming sakripisyo pagdating sa pagmamahal sa pamilya, sa kapatid, pagmamahal sa nobyo, pagmamahal pagdating niya sa talento niya, pagmamahal sa ama,” Kuwento niya sa GMANetwork.com.

Pagpapatuloy ng aktres, ““Ang dami niyang sinasakripisyo dito. Kaya 'yon 'yung isa mga nagustuhan ko, parang siya 'yung laging willing na, 'Ako na lang. Okay lang basta okay kayo.' Ganon.”

Ilang netizens naman ang sumagot sa post ni Sanya at sinabing na-appreciate din nila ang pnaghirapan ng aktres sa Pulang Araw, at deserve nito ang lahat ng papuring natanggap.

Sabi ng isang netizen, “Welcome. Na-appreciate namin ang pinaghirapan mo sa Pulang Araw. Napakagaling mo gumanap bilang si Teresita Borromeo.”

Isang netizen din ang nagpasalamat sa pagbahagi ni Sanya ng kuwento ni Teresita sa Pulang Araw, “You deserve all the compliments that you receive Ate Sanya! You were wonderful in portraying Teresita Borromeo. I know her journey wasn't easy, but thank you for sharing her story. It deserves to be heard by many people. Andito lang kami palagi para sa'yo.”

Dagdag naman ng isang netizen, “Ang galing mo naman kasi talaga, mhie. Kaya dasurv mo ang papuri sa mga ginawa mo sa #PulangAraw kaya patuloy mo pa kami paiyakin at saktan sa mga susunod na episodes.”

Ilang netizens din ang nagsabi kung papaano nila naramadaman ang bawat emosyon ni Teresita na ipinakita ni Sanya.

Sabi ng isa, “Ramdam ko yung emosyon na pinapakita nyo sa lahat ng eksena nyo. Lalo na po sa Episode 54 to 56. Deserve nyo makareceive ng award.”

“Ang galing n'yo po sa pagganap bilang Teresita bagay na bagay ramdam bawat sakit, at tulo ng mga luha kayong lahat po, bawat karakter at kwento panalo,” sabi naman ng isa pa.

Patuloy na subaybayan ang Pulang Araw, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 ng gabi sa GMA Prime.