
Muling ipinamalas ni Asia's Multimedia Star Alden Richards ang husay niya sa pag-arte sa GMA Prime series na Pulang Araw.
Gumaganap siya dito bilang Eduardo na lumalaban sa mga mananakop na Hapon bilang isang guerilla.
Masaya si Alden Richards dahil maganda ang pagkakagawa sa mga eksena ng labanan sa serye.
"Kudos kay Direk Dom [Zapata] and to the whole team for making that scene very well. Hindi man siya magaan panoorin pero siguro kailangan talaga siyang makita para mabigyan ng justice 'yung mga taong dumaan sa ganoong kadlim na parte ng buhay nila," lahad ng aktor.
Pagkakaton daw para kay Alden Richards na ipakita sa mga manonood ang sakripisyo ng mga tao mula sa nakaraan para makamit ang ating kalayaan.
"Bawat Pilipino noon na may mga kinalagyang sitwasyon, may mga sakripisyo silang ibinigay at ginawa, kagaya nga noong character ko. Si Eduardo, iniwan niya ang kanyang mga mahal sa buhay para iplagbalaban ang bayan natin," aniya.
Dapat din daw abangan ang isa sa pinakamahirap na eksenang ginawa niya para sa serye.
Malapit nang mapanood ang pagdating ng balita kay Eduardo tungkol sa pagdakip ng mga Hapones kay Teresita (Sanya Lopez).
"For Pulang Araw, that's one of the most demanding scenes that I have done. Nangyari 'yun kasi the character of Eduardo has so much love for Teresita. Minahal niya kagaya ng pagmamahal niya sa kanyang ina at kay Adelina (Barbie Forteza) at minahal niya nang buong buo, inalagaan, pinrotektahan, and yet doon siya napunta. I think that's where the motivation of Eduardo is coming from, bakit ganoon siya ka-devastated upon hearing the news," paliwanag ni Alden.
Patuloy na panoorin ang lalong lumalalim ng kuwento ng Pulang Araw, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
Maaari din itong panoorin online sa Kapuso Stream.