GMA Logo Sanya Lopez as Teresita
What's on TV

Pinakamadilim na gabi sa buhay ni Teresita, paparating na sa 'Pulang Araw'

By Marah Ruiz
Published October 18, 2024 9:42 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez as Teresita


Paparating na ang pinakamadilim na gabi sa buhay ni Teresita (Sanya Lopez) sa 'Pulang Araw.'

Malapit nang harapin ni Teresita (Sanya Lopez) ang pinakamadlim na gabi ng kanyang buhay sa GMA Prime series na Pulang Araw.

Bihag pa rin si Teresita sa kuta ng mga Hapones kasama ang iba pang comfort women.

Alam na rin niyang si Col. Yuta Saitoh (Dennis Trillo) ang nasa likod ng kanyang pagkakadukot.


Susubukan ni Teresita na hilingin ang kalayaan ng mga babaeng nakakulong sa bahay pero malaki ang hinihiling na kapalit dito ni Yuta.

Ikagagalit naman ng iba pang comfort women ang pagkabigo ni Teresita sa pagkumbinsi kay Yuta na palayain sila.

Magiging biktima ba si Teresita ng karahasan ni Yuta? O ang mga kapwa niya babae pa ba ang magiging sanhi ng kanyang kapahamakan?



Patuloy na panoorin ang lalong lumalalim ng kuwento ng Pulang Araw, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

Maaari din itong panoorin online sa Kapuso Stream.