
Ibinahagi ni Kapuso Drama King Dennis Trillo ang kanyang paghahanda para sa mga eksena sa GMA Prime series na Pulang Araw.
Sa isang video sa TikTok, pinasilip ni Dennis kung paano niya pinag-aaralan ang Japanese lines niya sa serye.
"Ngayon, ishe-share ko naman sa inyo 'yung mga pinagdadaanan ng isang Hapon na koronel sa isang taping. Ito 'yung sinend sakin ng aming language coach na si Ryo (Nagatsuka). Ito 'yung isa sa mga VOs (voice over) na pinadala niya," paliwanag ni Dennis sa video.
Ipinakita niya ang chat nila ni Ryo at ipinarinig din ang voice recording nito kung paano sabihin nang tama ang isang linya.
"So isa lang 'yan sa mga VOs na kailangan kong pag-aralan for the day. At ito pa 'yung mga iba, 'yan, 'yan. Ito pa, the list goes on and on. Good morning!" pagpapatuloy ni Dennis habang ipinapakita ang iba pang voice recordings na mula kay Ryo.
Makikita rin sa video na tumatawa si Dennis hanggang sa mapatigil at mapamura siya dahil sa dami ng kailangang pag-aralan.
"Ang dami noon ah. Halika na nga," pagtatapos ng kanyang video.
Kasalukuyang may 2.2 millions views and video ni Dennis.
"How to be YU…TA," sulat niya sa caption ng kanyang post.
@dennistrilloph How to be YU…TA #fyp #foryoupage #goodvibes #goodvibesonly ♬ original sound - Dennis
Bukod sa Pulang Araw, nakatakda ring bumida si Dennis sa upcoming movie ng Green Bones.
Gaganap siya dito bilang isang person deprived of liberty (PDL) na malapit nang mabigyan ng parole, pero gagawin ng isang correctional officer ang lahat para hindi siya makalabas sa piitan.
Makakasama ni Dennis sa pelikula sina Ruru Madrid, Wendell Ramos, Michael de Mesa, Alessandra De Rossi, Iza Calzado, Kylie Padilla, at Sienna Stevens.
Ang Green Bones official entry ng GMA Pictures and GMA Public Affairs para sa 50th edition ng Metro Manila Film Festival.
Ang award-winning filmmaker na si Zig Dulay ang magsisilbing direktor nito, habang sina National Artist for Films and Broadcast Arts Ricky Lee, at 2023 MMFF Best Screenplay winner Anj Atienza ang nagsulat nito.
NARITO ANG UNANG PASILIP SA GREEN BONES: