GMA Logo Alden Richards and Sanya Lopez
Source: aldenrichards02 (IG) drewgalleguez (IG)
What's on TV

Alden Richards, Sanya Lopez, ibinida ang mga palabang eksena sa 'Pulang Araw'

By Marah Ruiz
Published November 5, 2024 5:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO summons pick-up driver who ran over, killed girl in Ilocos Sur
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards and Sanya Lopez


Mas palaban na raw ang mga eksena sa 'Pulang Araw,' ayon kina Alden Richards at Sanya Lopez.

Damang-dama na ang giyera sa GMA Prime wartime family drama series na Pulang Araw.

Ayon kay Asia's Multimedia Star Alden Richards, mas makikita na raw ang mga palabang eksena sa serye.

Gumaganap siya rito bilang Eduardo, isang Pilipino na naging guerilla fighter sa panahon ng pananakop ng mga Hapon.

"Ako 'yung unang naging palaban sa totoo lang, ako ang kuya. Si Hiroshi (David Licauco), si Teresita (Sanya Lopez), saka si Adelina (Barbie Forteza), gumagawa na rin sila ng mga sarili nilang paraan para makalaban sa mga Hapon. Marami pa, exciting times ahead for Pulang Araw," lahad ni Alden.

"Medyo pabigat na nang pabigat 'yung mga eksenang napapanood. Hindi na papaawat 'yung Japanese Imperial Army," dagdag pa ng aktor.

Marami naman daw nagtatanong kay First Lady of Primetime Sanya Lopez tungkol sa kapalaran ng kanyang karakter na si Teresita, isang bodabil performer na magiging comfort woman.

Kasama ang iba pang comfort women, susubukan niyang tumakas mula sa garrison.

"Actually 'yun nga ang bungad sa akin. 'Makakatakas ka ba?'" kuwento ni Sanya.

Dapat daw tumutok sa serye dahil hindi pa rito nagtatapos ang mga eksenang emosyonal at maaksiyon.

"Abangan ninyo, kasi once na nakatakas naman siya, ano naman kaya ang mangyayari, 'di ba?" ani Sanya.

Patuloy na panoorin ang lalong lumalalim na kuwento ng Pulang Araw, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

Maaari rin itong panoorin online sa Kapuso Stream.

Panoorin din ang same-day replay sa GTV, 9:40 p.m.

Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras sa video: