GMA Logo David Licauco
PHOTO COURTESY: GMA Integrated News (YouTube)
What's on TV

David Licauco sa papuring natanggap sa pagganap bilang Hiroshi: 'I'm still improving'

By Dianne Mariano
Published November 9, 2024 1:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco


Ayon kay Sparkle star David Licauco, nakakataba raw ng puso ang natatanggap niyang papuri sa kanyang pagganap bilang Hiroshi sa 'Pulang Araw.'

Umaapaw ng good reviews ang cast ng family drama series na Pulang Araw dahil sa kanilang husay sa mabibigat na mga eksena.

Kabilang na rito ang mga tagpo ng karakter ni Sparkle actor David Licauco na si Hiroshi. Sa “Chika Minute” report ni Lhar Santiago para sa 24 Oras, nakakataba raw ng puso para sa Chinito actor sa tuwing nakakatanggap siya na papuri dahil sa pagganap niya sa kanyang role.

“I'm still not the best. I'm still improving, I'm still learning. I like learning from Alden, Barbie, Sanya, and also Dennis, and everyone. I also give credit to Direk Dom, I would say he gave me the green light for me to be like this. For me to be creative, and he gives me a lot of input,” pagbabahagi niya.

Ayon pa sa aktor, marami pang dapat abangan sa Pulang Araw dahil hindi pa natatapos ang tumitindi at nakakagulat na mga eksena.

Aniya, “May mamamatay, so kailangan nilang abangan 'yon, kung sino ang mamamatay. Also, pa-intense na nang pa-intense ang mga eksena, Tito Lhar. Si Hiroshi, malaki 'yung switch niya from being a nice guy, ngayon he is fighting for his life and also fighting for the love of his life.”

Samantala, ikinuwento rin ng Pambansang Ginoo ang kanyang Christmas plans kasama ang kanyang pamilya.

“We're going to Balesin with my family, [December] 24 to 26 and spend time with my friends, relatives, family. After Pulang Araw, I plan to go to Bicol, to my mom's province, hometown, dahil nami-miss na ako ng aking lola. Tinatawagan niya ako araw-araw, kailan daw ako uuwi,” kuwento niya.

Mas masaya rin daw ang Pasko ng pamilya ni David dahil dumating na ang kanyang kapatid na babae sa Pilipinas kasama ang anak nito.

Dagdag niya, "Nakakatuwa 'yung may baby na, parang nagkaroon ng light sa family namin and also the presence of my sister kasi I'm super close to her talaga. Actually, magpo-photoshoot nga kami na never naman namin ginawa talaga."

Subaybayan ang Pulang Araw tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m., sa GMA Prime.