
Matindi man ang mga eksena sa GMA Prime wartime family drama series na Pulang Araw, nagagawa pa rin ng cast nito na maglibang at patawanin ang isa't isa.
Aliw na aliw ang Kapuso stars na sina Sanya Lopez at Rochelle Pangilinan nag makapagsuot ng costume ng sundalong Hapon.
Source: sanyalopez (IG)
Para ito sa eksena kung saan susubukan muli ng kanilang mga karakter na tumakas mula sa garrison kung saan nakakulong mga mga comfort women.
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Sanya ang ilang sa mga astig na poses nila ni Rochelle.
"Kami nga pala ang mr cuties ng #PulangAraw na dadakip sa mga puso ninyo… ang korniiiiiii… yoko naaaa ," pabiro niyang sulat sa caption ng kanyang post.
Sa sarili niyang Instagram account, ibinahagi naman ni Rochelle ang isang maikling video kung saan ipinamalas nila ni Sanya ang mga linyang pang male beauty pageant.
"Kung paano nabuo ang Mr. Cuties ng Pulang Araw. Habang busy nagtatrabaho ang mga tao sa paligid namin.. kami ay..," lahad naman ng caption ni Rochelle.
Patuloy na panoorin ang lalong lumalalim ng kuwento ng Pulang Araw, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
Maaari rin itong panoorin online sa Kapuso Stream.
Panoorin din ang same-day replay sa GTV, 9:40 p.m.