
Anim na linggo na lang ang nalalabi sa GMA Prime wartime family drama na Pulang Araw.
Umabot na sa taong 1943 ang takbo ng kuwento.
Isasailalim ni Col. Yuta Saitoh (Dennis Trillo) sa torture si Marcel (Derrick Monasterio) para isiwalat nito ang kinaroroonan ng mga Pilipinong gerilya.
Masasaksihan naman ni Adelina (Barbie Forteza) ang pagkakasaksak kay Akio (Jay Ortega). Didinggin ba niya ang paghingi ng tulong ng sundalong Hapon?
Tuluyan na ring tatalikuran ni Hiroshi (David Licauco) ang tungkulin niya sa Imperial Japanese Army at ituturing siyang pugante ng mga kinauukulan.
Masisilayan ni Teresita (Sanya Lopez) si Eduardo (Alden Richards) sa gitna ng isang labanan.
Kasabay ng kanyang tuwa na buhay pa ang pinakamamahal, lalong dumidiin ang pamimilit ni Col. Yuta Saitoh na tuluyan na silang maitali sa isa't isa sa pamamagitan ng kasal.
Patuloy na panoorin ang lalong lumalalim ng kuwento ng Pulang Araw, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
Maaari rin itong panoorin online sa Kapuso Stream.
Panoorin din ang same-day replay sa GTV, 9:40 p.m.