GMA Logo Ashley Ortega
Source: ashleyortega (IG)
What's on TV

Ashley Ortega, nagpasalamat sa mga manonood ng 'Pulang Araw'

By Marah Ruiz
Published December 27, 2024 12:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Ortega


Nagpasalamat si Ashley Ortega sa mga taong sumubaybay ng 'Pulang Araw.'

Napakaraming natutunan ang Kapuso actress na si Ashley Ortega mula sa GMA Prime wartime family drama na Pulang Araw.

Gumanap siya rito bilang Sister Manuela, isang madre na dinukot ng mga Hapon at ginawang comfort woman.

Isa ang kaniyang karakter sa naging fan favorite sa serye dahil sa ganda at komplikadong kuwento nito at maging sa husay ng pagganap ni Ashley.

Tulad niya, umaasa si Ashley na marami ring napulot na aral ang mga manonood ng Pulang Araw--mula sa historical facts hanggang sa magagandang mensahe ng serye.

"Sana huwag nating kalimutan maging matapang at magkaroon ng mabuting puso," pahayag niya.

Dahil sa serye, mas nabigyan niya ng halaga ang mga taong lumaban sa giyera, at pati na ng mga taong nakaligtas mula rito.

"Hindi ko makakalimutan sa Pulang Araw is 'yung mga characters po na nagpakita ng resilience, courage, at saka ng tapang ng bawat Pilipino during World War II," lahad ni Ashley.

Lalo pa raw siyang sumaludo sa mga comfort women na lumalaban pa rin para sa katarungan hanggang ngayon.

"At siyempre hindi ko rin makakalimutan lahat ng sakripisyo ng mga comfort women during that time, lalo na 'yung character ko na si Sister Manuela. Napakataas po ng respeto ko sa lahat ng mga comfort women. Bayani po tingin ko sa kanila," aniya.

Source: ashleyortega (IG)

Sa nalalapit ng pagtatapos ng Pulang Araw, nasa bingit na ng pagkatalo sa giyera ang mga Hapon.

Hinahanap pa rin ni Col. Yuta Saitoh (Dennis Trillo) si Teresita (Sanya Lopez) at muli niyang makakaharap si Eduardo (Alden Richards).

Nauubusan na rin ng lugar na lilikasan sina Adelina (Barbie Forteza) at Hiroshi (David Licauco) kung saan mananatili silang ligtas mula sa pagbagsak ng mga bomba.

Patuloy na panoorin ang lalong lumalalim ng kuwento ng Pulang Araw, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

Maaari rin itong panoorin online sa Kapuso Stream.

Panoorin din ang same-day replay sa GTV, 9:40 p.m.

SAMANTALA, TINGNAN ANG PAGBIGAY NG TRIBUTE NI ANGELLIE SANOY PARA SA COMFORT WOMEN SA 'PULANG ARAW'