
Lubos ang pasasalamat ni Kapuso actress Barbie Forteza para sa suportang natanggap ng GMA Prime wartime family drama na Pulang Araw.
Gumanap siya sa primetime na serye bilang Adelina, isang vaudeville performer na magiging espiya para sa mga guerilla.
Naninwala si Barbie Forteza na isang magandang handog ang serye para sa mga Pilipino.
"Taos-puso po akong nagpapasalamat sa lahat sa inyo, sa inyong pagsuporta po sa aming programa. Again, like what direk Dominic Zapata always says, this is a love letter to all our fellow Filipinos and also a good reminder na ganito ipinaglaban ng mga Pilipino noon ang ating bansa para makamit natin ang kalayaang mayroon tayo ngayon," pahayag ni Barbie.
Umaasa din siya na mainit pa rin ang magiging pagtanggap ng mga manonood hanggang sa dulo ng serye.
"Maraming maraming salamt po sa pagmamahal sa aming show at sana po ay hanggang dulo ay kasama namin kayo para sama sama tayong magtagumpay," mensahe niya.
Image Source: gmadrama (Instagram)
Sa nalalapit ng pagtatapos ng Pulang Araw, nasa bingit na ng pagkatalo sa giyera ang mga Hapon.
Hinahanap pa rin ni Col. Yuta Saitoh (Dennis Trillo) si Teresita (Sanya Lopez) at muli niyang makakaharap si Eduardo (Alden Richards).
Nauubusan na rin ng lugar na lilikasan sina Adelina (Barbie Forteza) at Hiroshi (David Licauco) kung saan mananatili silang ligtas mula sa pagbagsak ng mga bomba.
Patuloy na panoorin ang lalong lumalalim ng kuwento ng Pulang Araw, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
Maaari rin itong panoorin online sa Kapuso Stream. Panoorin din ang same-day replay sa GTV, 9:40 p.m.