
Masaya si Kapuso actress Sanya Lopez sa naging pagtanggap ng mga manonood ng GMA Prime wartime family drama na Pulang Araw.
Gumanap siya sa serye bilang Teresita, isang vaudeville performer na dinukot ng mga Hapon para maging comfort woman.
Mahirap at mabigat naman ang kanyang role, humuhugot ng lakas ng loob si Sanya sa mga papuring natatanggap nila tungkol sa serye.
"Mga Kapuso, maraming maraming salamat dahil noong umpisa naming ginagawa ito, hindi namin akalain na ganoon 'yung pagtanggap ng mga tao sa amin. Nakakatuwa lang na 'yung bawat komento ninyo, feedback na naririnig namin mula sa inyo, nakakapawi 'yun ng lahat ng pinaghirapan at pagod dito sa Pulang Araw. Sulit lahat," lahad ng aktres.
Ipinagmamalaki din niya na ang Pulang Araw ay isang seryeng may kabuluhan at maaaring balik-balikan ng mga manonood.
"Masaya kami na magtatapos ang Pulang Araw na may iniwan sa ating isip at puso na aral para sa bawat Pilipino," pahayag niya.
Image Source: gmadrama (Instagram)
Sa nalalapit ng pagtatapos ng Pulang Araw, nasa bingit na ng pagkatalo sa giyera ang mga Hapon.
Hinahanap pa rin ni Col. Yuta Saitoh (Dennis Trillo) si Teresita (Sanya Lopez) at muli niyang makakaharap si Eduardo (Alden Richards).
Nauubusan na rin ng lugar na lilikasan sina Adelina (Barbie Forteza) at Hiroshi (David Licauco) kung saan mananatili silang ligtas mula sa pagbagsak ng mga bomba.
Patuloy na panoorin ang lalong lumalalim ng kuwento ng Pulang Araw, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
Maaari rin itong panoorin online sa Kapuso Stream.
Panoorin din ang same-day replay sa GTV, 9:40 p.m.