
Nagharap sa online game show ni Betong Sumaya ang mga dating contestant ng dalawang Kapuso talent shows.
Ang Protégé graduate na si Jeric Gonzales at ang StarStruck graduates na sina Klea Pineda, Kim De Leon at Lexi Gonzales ang mga contestant ng Quiz Beh! nitong June 12.
Sila ang bumuo ng dalawang teams para magpagalingan at magpakita ng kanilang mga diskarte sa pagsagot sa Quiz Beh!
Bukod sa pagpapagalingan, may kuwentuhan at kulitan rin na naganap. Balikan ang nakakatuwang episode na ito: