
Ibinahagi nina Andre Paras, Kate Valdez, Manolo Pedrosa, Lexi Gonzales, at Anthony Rosaldo na sila ay nag-enjoy sa pagsali sa online game show na Quiz Beh!
Ang Quiz Beh! ay ang programa kung saan nagpapagalingan ang ilang Kapuso stars sa paghula. Ito ay hosted ng Kapuso comedian na si Betong Sumaya at napapanood every Friday at 3:00 p.m. sa official YouTube channel ng GMA Artist Center.
Kuwento ni Andre, "I really had an amazing time during Quiz Beh! dahil nakasama ko ang aking mga friends sa GMA Artist Center and especially ang ating mga loyal Kapuso fans."
Dagdag naman ni Kate, "I had so much fun on Quiz Beh! dahil nakasama ko ang ibang cast ng Encantadia at naka-bonding ko pa sila."
Ibinida ni Manolo na may record siya sa Quiz Beh!
"I had a lot of fun on Quiz Beh! because first of all, I got to bond with my fellow artists and I was able to guess an answer in just 10 seconds. Fastest record na yata 'yun!"
Si Lexi ay na-challenge umano sa game show na ito. "I had so much fun sa Quiz Beh! kasi tawang tawa ako sa mga banat ni Kuya Betong and super na-challenge rin ako that day sa mga words na pinahulaan nila sa amin."
Naka-bonding naman ni Anthony ang kanyang mga kaibigan sa The Clash.
"Sobrang na-enjoy ko ang pagsali ko sa Quiz Beh! dahil sa bukod sa naka-bonding ko na ang Clashers, alam ko na maraming Kapuso ang nag-enjoy sa aming kulitan."
Bukod sa kanilang mga kuwento sa Quiz Beh!, inanyayahan rin nina Andre, Kate, Manolo, Lexi, at Anthony ang mga Kapuso na mag-subscribe sa GMA Artist Center official YouTube channel.
Dito mapapanood niyo na ang mga favorite ninyong GMA Artist Center celebrities, may chance pa kayong maka-bonding sila online.
GMA Artist Center launches own YouTube channel
Betong Sumaya, ibinahagi ang bagong dapat abangan sa 'Quiz Beh!'