GMA Logo Quiz Beh September 18 episode
What's on TV

'StarStruck' love teams, nagkumustahan sa 'Quiz Beh!'

By Maine Aquino
Published September 21, 2020 2:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos rejects PH label as ‘ISIS training hotspot’
EXO Chen announces Manila concert in 2026
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.

Article Inside Page


Showbiz News

Quiz Beh September 18 episode


Ang 'StarStruck' love teams na sina Kim De Leon, Lexi Gonzales, Abdul Raman, at Shayne Sava ang nagtapat at nagkumustahan sa 'Quiz Beh!'

Nagbabalik sa Quiz Beh! ang ilang StarStruck graduates na sina Kim De Leon, Lexi Gonzales, Abdul Raman at first time naman na sumali sa online game show si Shayne Sava.

Sa episode na ito nagtapat ang Kim at Lexi love team at ang Abdul at Shayne love team.

Quiz Beh September 18 episode



Pero bago simulan ang tapatan, kinumusta ni Betong Sumaya ang kanyang guests sa kanilang work from home setup pati na rin ang update sa kanilang personal na buhay.

Si Lexi ay ikinuwento ang ginagawang mga paghahanda para sa kanyang work from home setup, si Kim naman na nasa Batangas ay nagpaplano umanong bumalik na ng Manila. Si Abdul ay nagbahagi ng importance ng kanyang stable internet connection para sa new normal, at si Shayne ay nagsabi ng mga bagay na nami-miss niya dahil sa new normal.

Panoorin ang masayang episode na ito ng Quiz Beh!

Betong Sumaya, ibinahagi ang positive at negative effects ng social media

Betong Sumaya, ibinahagi ang bagong dapat abangan sa 'Quiz Beh!'